-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Naghain na ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) sina Datu Montawal Maguindanao Mayor Datu Ohto Montawal at Vice-Mayor Datu Vicman Montawal kasama ang buong myembro nito sa konseho.

Ang mag-amang Montawal ay tinaguriang Father and Son Cares,bayani ng taumbayan,dahil anumang sakuna at pagsubok sa buhay lalo na ngayong panahon ng pandemya ay laging may tulong na dumarating sa kanilang mga nasasakupan.

Ang mag-amang Montawal ay kapwa re-electionist at tumatakbo sa ilalim ng Nacionalista Party/Family Alliance na pinangunahan ni Incumbent Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu.