-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Natagpuan na ang bangkay ng mag-amang nahulog sa ilog habang sakay ng motorsiklo habang binabaybay ang kalagitnaan ng Cabagan-Sta. Maria Overflow bridge na sakop ng Brgy. Mozzozzin Sur, Santa Maria, Isabela.

Ang mga biktima na sina Roberto Deray Sr.,45 anyos, laborer at anak nitong si Roberto Deray Jr., 19 anyos, isang estudyante habang ang misis na maswerteng nakaligtas ay si Lucia Deray na pawang residente ng Catabayugan, Cabagan, Isabela.

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan kay PMajor Rogelio Natividad, Hepe ng Sta. Maria Police Station narekober ng Joint MDRRMC Santa Maria at Cabagan si Roberto Jr sa Alibagu, Enrile, Cagayan habang natagpuan ang katawan ng ama sa Namabbalan, Tuguegarao City ng mga kasapi ng Rescue team ng Tuguegarao City at Cabagan.

Naunang inihayag ni Gng. Deray na pauwi na sila lulan ng motorsiklo at habang sila ay dumadaan sa nasabing tulay ay nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho ang kanyang mister.

Nakatalon ang ginang sa motorsiklo bago mahulog sa tulay kasama ang kanyang mag-ama.