-- Advertisements --

VIGAN CITY – Maghaharap ang mag-amang Narvacan Mayor Luis Chavit Singson at Governor Ryan Singson sa pagkabise gobernador ng Ilocos Sur.

chavit ryan singson ilocos sur

Unang naghain ng kanilang kandidatura sina Governor Ryan kasama ang kaniyang maybahay na si Mrs. Patch Singson na tatakbo namang gobernador ng lalawigan at sa unang distrito ay muling kakandidato si Congressman Deogracias Victor Savellano.

Sumunod na naghain ng kanilang certificate of candidacy (CoC) sina Narvacan Mayor Chavit kasama ang kaniyang ka-tandem na si Vice Governor Jeremias Singson bilang gobernador at muling kakaharapin ni dating Congressman Ronald Singson si Savellano.

Isa lang umano ang hiling ni Mayor Singson na maging mapayapa ang darating na eleksyon lalo na sa mga lugar na mainit ang labanan sa pulitika sa mga bayan ng San Vicente, Magsingal at Caoayan.