CAUAYAN CITY- Pinaghahanap pa rin ng mga otoridad ang mag-ama matapos maaksidente sa Cabagan-Santa Maria overflow bridge.
Ang mga pinaghahanap ay si Roberto Deray Sr. 44 anyos, nakasuot na brown short at blue jacket at ang anak na Roberto Deray Jr, 19 anyos, nakasuot ng black and white short at brown T-shirt habang nakaligtas naman si Lucia Deray, 41 anyos, pawang residente ng Catabayungan, Cabagan, Isabela
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Police Major Rogelio Natividad , hepe ng Santa Maria Police Station na papauwi na ang magkakapamilyang biktima sakay ng Honda Wave at sinasabing nasa imluwensiya ng alak ang tsuper na si Roberto Sr. nang mawalan ng kontrol sa manibela at aksidenteng nahulog ang mga biktima kasama ang sinakyang motorsiklo sa ilog .
Masuwerte namang nakatalon si Ginang Lucia Deray bago mahulog ang kanilang sinakyang motorsiklo at kanyang mag-ama sa ilog .
Magkatuwang ang mga kasapi ng Cabagan Police Station katuwang ang MDRRMC Cabagan, Isabela sa paghahanap sa mag-amang biktima.