Na-domina ng magkakamag-anak na Cayetano ang lungsod ng Taguig matapos manalo sa mga lokal na posisyon na kanilang itinakbo ngayong halalan.
Nitong hapon nang ideklara ang pagkapanalo ng direktor at dating kongresista na si Lino Cayetano bilang bagong alkalde ng siyudad.
Batay sa datos ng city board of canvassers labis ang naging kalamangan ni Cayetano na nakakuha ng 173,101 votes mula sa kanyang katunggali na si dating Mayor Arnel Cerafica na may 109,555 votes.
“We thank the Taguigeños for this overwhelming victory in the polls. We also call on the residents to unite as we work together as their new leaders,†ani Lino.
Nasungkit din ni dating Mayor Lani Cayetano ang congressional post para sa 2nd District, habang naka-tengga pa ang resulta para sa 1st District kung saan lamang na si dating Department of Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano na tumatakbo bilang kongresista.
Sa partial and unofficial count ng Commission on Elections (Comelec) may 91,630 votes ang dating kalihim, habang may 63,279 votes ang kanyang katunggali na si Allan Cerafica.
Nauna ng nanawagan ang former DFA secretary sa Comelec matapos mabatid na may depektibong secured cards sa Taguig-Pateros district.
Samantala, idineklara namang vice mayor ng siyudad ang kaalyado ni Lino na si Ricardo Cruz Jr.
Habang namamayagpag sa 4th place ng unofficial count para sa senatorial race si dating Sen. Pia Cayetano.