-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Mahaharap ngayon sa kasong gun running ang mag-asawa naaresto sa pagbebenta ng mga high powered firearms sa Parang, Maguindanao.

Kinilala ni Police Major Christopher Cabugwang , chief of Police ng Parang MPS ang mga suspek na sina Akay Awa, 50 anyos, miyembro ng Citizens Armed Forces Geographidal Uni (CAFGU) at ang asawa nito na si Arbaya Ali Awa, 44 years old, pawang taga Barangay Manion sa nasabing bayan.

Ayon kay Cabugwang, nainquest na rin ang kaso ng mag asawa sa prosecutions office sa lungsod at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 ayon sa opisyal.

Sa ngayon ay patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad kung saan at kung sino ang supplier ng mga matataas na kalibre ng baril ng mag asawa.

Nakuha sa mag asawa ang dalawang M16 Rifle, isang caliber .45 pistol, dalawang M14 Rifles at mga bala na pawang walang mga kaukulang papeles at ngayon ay kasalukuyan naman nasa crime laboratory.