-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang mag-asawa at isa ang nasugatan sa pamamaril sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang mga nasawi na sina Salik Sulaiman,47 anyos at ang kanyang asawa na si Guiaria Sulaiman,42,mga residente ng Datu Unsay Maguindanao.

Patay naman ang payong-payong driver na tinamaan ng mga ligaw na bala na si Narex Bangkaling,39 anyos,may-asawa at nakatira sa Barangay Sambulawan Datu Salibo Maguindanao.

Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Christopher Panapan na lulan ang mag-asawa sa kulay green na Mazda pickup sa bahagi ng Sitio Proper Barangay Sambulawan Datu Salibo Maguindanao.

Bigla na lamang pinagbabaril ang mga biktima ng mga hindi kilalang suspek gamit ang kalibre.45 na pistola at 9mm pistol.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin sakay ng motorsiklo papasok ng SPMS Box.

Patay on the spot ang mag-asawa nang magtamo sila ng maraming tama ng bala sa ibat ibang parte ng kanilang katawan habang naisugod sa pagamutan si Bangkaling ngunit di na umabot ng buhay.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Datu Salibo PNP sa pamamaril sa mga biktima.