-- Advertisements --

DIPOLOG CITY – Arestado ang mag-asawa sa isinagawang entrapment operation ng mga otoridad sa Bgy Dao, Pagadian City matapos umanong mangikil sa isang pulis.

Kinilala ang mga suspek na sina Ariel Basas, 54, at Emily Bathan Basas, 44, residente ng lugar habang ang biktima ay kinilalang si SSgt Rodyl Armada na naka-assign sa Tukuran Municipal Police Station.

Ayon sa report ng Police Regional Office-9, hiningan umano ng pera ng mag-asawa ang isang pulis na kinalalang si SSgt Rodyl Failma Armada sa halagang P30,000 kapalit ng hindi pagsasampa ng kasong administratibo laban sa biktima.

Nabatid na hindi nakontento ang mga suspek sa ginawang settlement may kinalaman sa kinasasangutan vehicular accident ng bayaw ng mga ito kung saan ang biktima ang syang imbestigador ng kaso.

Nakumpiska mula sa dalawa ang 29 na piraso ng tig-P1,000 at dalawang piraso ng P500 marked money at isang cellphone.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Pagadian City PNP ang mga naaresto at inihahanda ang kasong robbery extortion laban sa mga ito.