-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Pinili ng mag-asawang Jaime at Marites Butac, residente ng Villa Luz, Benito Soliven Isabela na ipagdiwang ang kanilang 33rd wedding anniversary sa pamamagitan ng pakikiisa sa Dugong Bombo 2019 ng Bombo Radyo Cauayan na ginanap sa FLDy Coliseum, Cauayan City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan,inihayag ni Gng. Marites Butac na napag-usapan nila ng kaniyang mister na magdonate ng dugo bilang pagdiriwang ng kanilang anibersaryo sa kasal.

Aniya bilang 1st time blood donor ng dugong Bombo ay labis ang kanyang kasiyahang naramdaman dahil sa hindi pa man nagagamit ang dugong kanilang ibinahaging mag-asawa ay naiisip na niya ang kanilang maililigtas na buhay ng mga nangangailangan.

Dahil anya sa pagkakasuspendi sa naunang schedule ng Bombo Radyo Cauayan sa Dugong Bombo noong Nov. 16, 2019 ay naitaon sa kanilang 33rd wedding anniversary ngayong araw.