-- Advertisements --
ILOILO CITY – Nagpapatuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa sanhi ng pagkamatay ng mag-asawa na natagpuan sa kanilang tahanan sa Batuan, Pototan, Iloilo.
Ang mga biktima ay sina Sherwin Tecson 43, at Christy Tecson, 39, pawang empleyado ng Electric Cooperative, Inc. (ILECO).
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Major Ciriaco Esquilarga, hepe ng Pototan Municipal Police Station, sinabi nito na may dugo sa ilong at tainga ang mga biktima.
Ayon sa hepe ang babae ay cashier sa ILECO sa Passi City habang driver naman ang kanyang mister sa Pototan, Iloilo.