-- Advertisements --

BAGUIO CITY–Namatay ang mag-asawa habang sugatan naman ang apat na kasamahan matapos mahulog ang sinasakyan nilang van sa bangin na may 500 metrong lalim sa Sitio Limood, Barangay Balinciagao Sur, Pasil, Kalinga noong March 4.

Nakilala ang mag-asawa na sila Marilou Minong at Daniel Minong habang nakilala naman ang mga kasamahan na sila Jerry Baddongon, Mark Arel Lapitan, Jhonred Dawaron na lahat sa mga ito ay magsasaka at nakatira sa Barangay Balinciagao Norte.

Ayon kay Kalinga Provincial Police Office Director Police Col. Davy Limmong, papunta sana ang mga biktima sa Lubuagan, Kalinga ng biglang nawalan ng preno ang saksakyan pasado alas-sais ng gabi dahilan aksidente.

Napag-alaman na nakayanan nina Dawaron at Lapitan na tumalon palabas ng sasakyan bago tuluyang mahulog ang sinasakyan sa bangin.

Nakatamo ng sugat ang apat na biktima sa ibat-ibang bahagi ng katawan na agad naman dinala ang mga pasahero ng van sa Lubuagan Hospital subalit naideklara na dead on arrival ang mag-asawang Minong.