-- Advertisements --
ROXAS CITY – Patay ang mag-asawa matapos pagbabarilin ng anak ng punong barangay sa Barangay Hipona, Pontevedra, Capiz.
Kinilala ang mga biktima na sina Noli Navarro, 56, at asawang si Juara Navarro, kapwa nagtamo ng malalang sugat sa katawan.
Sa interview ng Bombo Radyo kay Major Christopher Candelario, hepe ng Pontevedra PNP, nagliligpit na ang mag-asawa ng kanilang mga paninda ng dumaan ang suspek na si Sultan Oquendo, anak ni punong barangay Resty Oquendo.
Ayon sa mga nakasaksi nakarinig sila ng limang putok ng baril hanggang sa makita ang nakahandusay na katawan ng mag-asawang Navarro.
Kaagad dinala sa ospital ang mga biktima ngunit dineklarang dead on arrival ng doktor.