-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Patay ang mag-asawa matapos madaganan ng gumuhong estruktura sa kompanya kung saan sila nagtatrabaho matapos tumama ang 6.8 magnitude na lindol.

Kinilala ang mga biktima na sina Danny Ginung, 26 anyos, at Jane Ginung, 18, kapwa empleyado ng Amadeo Pathwoods at residente ng Pao-pao Barangay Sinawal nitong lungsod.

Sa kabilang dako, mahigit kumulang sa 300 estudyante ang dinala sa Dr. Jeorge Royeca Hospital matapos ang pagkahilo.

Mismong si Gensan Mayor Lorelie Pacquiao ang pumunta sa lugar para makita ang kalagayan ng mga biktima.

Nalaman na nakauwi ang iilan habang na-admit ang iba dahil kailangang makapagpahinga matapos nagpanic attack dahil sa malakas na pagyanig ng lupa.

Nalaman na dito sa lungsod halos mga kolehiyo ang nagsagawa ng kanilang intramurals sa mga gymnasium at mga mall nang mangyari ang pagyanig.

Nagnegatibo naman sa tsunami ang lugar matapos pinabulaanan ng Office of Civil Defense 12 matapos tumama ang lindol kung saan sa Davao Occidental ang naging epicenter nito.