-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Ibinurol na sa isang punerarya ng Brgy. Malicato, sa bayan ng Las Nieves, Agusan del Norte ang mag-asawang napatay matapos malunod nang tumaob ang sinakyan nilang bangkang walang katig nito pang Sabado noong nasa bisinidad pa ng Caraga Region ang bagyong Bising.

Nakilala ang namatay na sina Rachel Ann Mordeno, 30-anyos at Clayme COncon, 32-anyos habang nailigtas pa ni Concon sa gilid ng ilog ang kanilang 4-anyos na anak.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Police Staff Sgt. Jefferson Macabenta ng Las Nieves Municipal Police Station, mula sa Brgy. Isidro ang mga biktima at patungo sana sa Brgy. Ambacon sakay sa bangkang walang katig na tumaob matapos ma-out balance nang hampasin ng malaking agos ng tubig.

Base sa kanilang imbestigasyon, binalikan ni Concon ang kanyang asawa matapos maihatid sa gilid ng ilog ang anak ngunit inanod na hanggang sa mawala at nitong ng umaga natagpuan ang kanyang bangkay.