CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang mag-asawa sa pamamaril sa lalawigan ng Maguindanao Del Sur.
Nakilala ang mga nasawi na sina Sittie Samra Angas Sedik at Sukarno Mongangan Sedik,mga residente ng Sitio Baluntaya Barangay Bulod Sultan sa Barongis Maguindanao Del Sur.
Ayon kay Sultan sa Barongis Chief of Police Lieutenant Alfred Gregory na pinasok ng dalawang hindi kilalang suspek ang tahanan ng mag-asawa at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.
Mabilis namang tumakas ang mga salarin lulan ng motorsiklo patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Sultan sa Sabarongis.
Agad binawian ng buhay ang mga biktima matapos magtamo ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanilang katawan.
Rido o awayan sa pamilya ang anggulong sinusundan ng mga otoridad sa kanilang imbestigasyon sa pamamaril patay sa mga biktima.