KORONADAL CITY – Nagpapatuloy sa ngayon ang imbestigasyon ng mga otoridad kauganay sa nangyaring pag-atake ng armadong kalalakihan sa isang bahay sa probinsya sa Maguindanao.
Ayon sa report na ipinaabot sa Bombo Radyo Koronadal, kinilala ang mga biktima na sina Maguid Musa Rajamuda, 41, at ang asawa nitong si Amina Rajamuda, 49, kapwa residente ng Brgy. Macasampen, bayan ng Guindulongan.
Lumalabas sa imbestigasyon ng Guindulongan PNP, katatapos pa lamang umanong maghapunan ng mag-asawa pasado alas-8:00 ng gabi nang paulanan sila ng bala ng hindi pa natukoy na mga suspek.
Hindi pa raw nakuntento ang mga armadong lalaki dahil pinasabugan pa ang mga ito ng granada gamit ang M-203 grenade launcher.
Matapos ang pangyayari, mabilis na tumakas ang mga suspek.
Samantalan, agad naman isinugod sa pinakamalapit na bahay pagamutan ang mga biktima na nagkaroon ng tama ng bala sa katawan.
Sa ngayon ay di pa malinaw kung ano ang motibo sa nasabing pag-atake ng mga armado.
Patuloy din na inoobserbahan ang kalagayan ng mga biktima.