-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Patuloy pang inimbestigahan ng pulisya sa Bayugan City, Agusan del Sur ang pagbaril-patay sa mag-asawa kahapon ng alas-3:00 ng hapon sa kanilang bhay upang makilala ang may kagagawan nito at ang motibo ng kremin.

Nakilala ang mga biktima na sina Rolando Guyo alyas Buboy, 54-anyos at ang asawa nitong si Rebecca Guyo alyas Lingling, 41-anyos, residente ng Purok 1, Brgy. Pinagalaan ng nasabing lungsod.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, mula pa sa kanilang sakahan ang mga biktima nang ito’y pagbabarilin sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan sanhi ng kanilang agarang kamatayan.