-- Advertisements --

ROXAS CITY – Naging memorable ang 12th wedding anniversary ng mag-asawa sa lungsod ng Roxas dahil pinili nilang ipagdiwang ito kasama ang mga frontliners sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Pinky Baes Estonina, nagdesisyon sila ng kanyang asawa na si Rex na sa halip magkaroon ng handaan sa kanilang bahay ay magpakain na lamang sa mga frontliners.

Ito ay paraan na rin aniya nila para makapagpasalamat sa mga sakripisyo ng mga frontliners upang hindi na kumalat pa ang nakakamatay na sakit.

Personal na ibinigay ng mag-asawa ang inihandang 100 na food packs sa mga frontliners kabilang na ang mga traffic auxiliaries, pulis, barangay health workers at tanod sa iba’t-ibang barangay sa lungsod.