VIGAN CITY – Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mag-asawa sa lalawigan ng Abra matapos na magpositibo ang isinagawang search warrant operation sa bahay ng mga ito kahapon ng madaling araw.
Nakilala ang mga suspek na sina Dennis Millare Montorio, 34, at Janice Millare Montorio, 40,s na kapwa residente ng Brgy. Lingtan, Bangued, Abra.
Sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Vigan, nakuha mula sa bahay ng mga suspek ang dalawang heat-sealed small transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng P3,000 at iba’t ibang drug paraphernalia kagaya na lamang ng nakarolyo at nagamit na aluminum foil; isang hindi nagamit na maliit na transparent plastic sachet; isang silver na gunting; blue disposable lighter; nagamit na hiringilya; isang kahon ng posporo na naglalaman ng mga hindi nagamit at nakarolyong aluminum foil strips; tatlong plastic tooter; isang folded aluminum foil; dalawang nakarolyong aluminum foil at isang itim na container na naglalaman ng hindi pa tuloy na likido.
Ang search warrant laban sa mga suspek ay ipinalabas ni Judge Rouella Melinda P. Atmosfera ng Municipal Trial Court, Lagangilang, Abra.