BUTUAN CITY – Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga tauhan ng Butuan City Police Station 1 upang maisampa na ang kaukulang kaso laban sa kanilang kabaro na bumaril-patay sa mag-asawang kanyang kapitbahay dakong alas-otso kagabi sa may Princess 1 Subdivision ng Purok 6, Brgy. Villa Kananga nitong lungsod.
Nakilala ang mga biktima na sina Mary Ann AƱasco, 51-anyos at 45-anyos na asawa nitong si Charlie habang ang suspek naman ay nakilalang si Police Senior Master Sergeant (PSMS) Darwin Plaza Nolasco, residente din ng nasabing lugar at nadestino sa Dinagat Municipal Police Station sa lalawigan ng Dinagat Islands.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Police Executive Master Sergeant (PEMS) Rey Garielle Maderal, tagapagsalita ng Butuan City Police Station 1, na base sa kanilang imbestigasyon, karelasyon umano ng asawa ng suspek ang biktimang lalaki.
Kasong double murder na isinampa ng pulisya laban sa suspek na boluntaryong sumuko matapos ang kremin bitbit ang ginamit nitong 9mm pistol kungsaan 16 na mga basiyo ng bala ang narekober mula sa crime scene.