BUTUAN CITY – Pinaniniwalaang selos ang motibo sa pamamaril-patay sa isang pulis kungsaan biktima ang mag-asawa bandang alas 8:00 kagabi sa may Princess 1 Subdivision, Purok-6, Barangay Villakananga, nitong lungsod sa Butuan.
Nakilala ang mga biktima na sina Mary Ann Añasco, 51-anyos, at Charlie Añasco, 45-anyos, isang RCH Trading Petron Agent, na parehong residente sa nasabing lugar.
Habang ang suspek ay nakilalang si Police Staff Master Sergeant Darwin Plaza Nolasco, 46-anyos, miyembro ng Philippine National Police na nadestino sa Dinagat Municipal Police Station sa probinsiya ng Dinagat Island at residente sa Block 2 Lot 10, Princess 1 Subdivision, Villakananga, Butuan City.
Base sa impormasyon sa Butuan City Police Station-1, kaagad nilang nirespondihan ang tawag may kaugnayan sa pamamaril at naabutan ang wala nang buhay na mga biktima matapos nagtamo ng tama ng baril sa iba’t ibang parte ng katawan habang nasa loob ng itim na Toyota Vios na may plate number KGH 381.
Naaresto naman ng pulisya ang suspek at nakuha ang isyu kaniyang baril na pinaniniwalaang ginamit sa kremin.
Sa ngayon ay patuloy pa ang malalimang imbestigasyon sa nasabing pangyayari.