CEBU CITY – Patay ang mag-asawang Julian Dosdos at Perilyn Dosdos matapos mabundol ang kanilang sinasakyang motor sa pagitan ng isang trailer truck truck at isang minibus sa lungsod ng Naga sa lalawigan ng Cebu.
Ayon kay Police Master Sergeant Jake Catane ng Naga Police Station na papauwi na sana ang mag-asawa sa lungsod ng Cebu nanggaling sa paliligo sa dagat.
Nangyari ang insidente sa harap ng isang pabrika ng semento ng huminto ang mag-asawa para sana patawirIn ang nasabing trailer truck galing sa pabrika papuntang kabilang kalsada.
Subalit, hindi namalayan na isang mabilis na minibus ang nakasunod at bumangga sa sinasakyang motor ng mag-asawang Dosdos hanggang sa nasadsad ang mga biktima sa likuran ng trailer truck.
Humantong sa agaranv kamatayan ng mag-asawa ang insidente.
Depensa naman ng drayber ng minibus na si Seferino Lapuz Buro na nawalang ito ng preno at hindi na nakontrol ang bus.
Ilan sa 11 pasaherong sakay, kasama na ang drayber ng bus ang nasugatan sa nasabing insidente.
Nasa kustodiya ng Naga Police Station ang suspek habang kakaharapin nito ang karampatang kaso.