-- Advertisements --
Kinilala ng Guinness World Records bilang pinakamatandang mag-asawa sa mag-asawa mula sa Ecuador.
Sa loob ng 79 taon ay kasal sina Julio Cesar Mora Tapia, 110 taon at Waldramina Maclovia Quinteros Reyes, 104.
Si Tapia ay isinilang noong Marso 10, 1910 habang si Reyes ay isinilang noong Oktubre 16,1915.
Kung pagsamahin ang edad ng dalawa ay aabot sa 214 at 358 araw ang edad ng dalawa.
Mayroong limang anak ang dalawa, 11 apo at 21 apo sa tuhod at 9 apo naman sa talampakan.
Unang may hawak ng record kasi ay sina John, 106 at Charlotte, 105 Henderson mula sa Texas na mayroong 211 anyos ang pinagsamang edad nila.