-- Advertisements --
Patay ang mag-asawa sa General Santos matapos na sila ay madaganan ng konkretong pader ng tumama ang magnitude 6.8 na lindol nitong hapon ng Biyernes sa iba’t-ibang bahagi ng Mindanao.
Kinilala ang mga biktima na sina Danny Ginong, 26-anyos at Jane Ginong, 18-anyos mula sa Amadeo Compound sa Barangay San Isidro.
Sa imbestigasyon ng mga otoridad, biglang nagpanic ang dalawa at sila ay nagkubli sa pader na nakadagan sa kanila.
Magugunitang iniulat ng hilippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na tectonic ang pinagmulan ng magnitude 6.8 na lindol at ang sentro umano nito ay sa Sarangani Davao Occidental at may lalim ng 10 kilometro.