-- Advertisements --

Sinusuri ngayon ang mag-asawang naninirahan sa Quezon City para sa posibleng pagkakaroon nila ng Wuhan coronavirus infection.

Ayon kay Mike Marasigan, pinuno ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office, natukoy ang mag-asawa na may travel history sa China.

Bago sumailalim sa proseso, nakaranas ng ilang sentomas ng trangkaso ang dalawa.

Sa kasalukuyan, nadala na ang mga ito sa San Lazaro Hospital sa lungsod Maynila.

Nilinaw naman ng CDRRMO na wala pang nakukumpirmang Wuhan coronavirus sa lungsod ng Quezon at ang ginagawa nila ngayon ay bahagi lamang ng paghihigpit at awareness campaign.