VIGAN CITY – Nakapagtala na naman ang Ilocos Sur ng dalawang bagong kaso ng COVID-19 sa magdamag kaya aabot na sa 97 ang kabuuang kaso sa lalawigan.
Ang ika-96 na paysente ay 40-anyos na babae, isang college instructor na nagpositibo sa antigen test at marami umano ang kanyang mga nakahalubilo.
Nilagnat daw ang pasyente at na-expose pa ito sa kanyang mga katrabaho sa labas ng lalawigan.
Gayunman, ang ika-97 na local patient ay asawa ng nabanggit na pasyente ay isang 41-anyos na nakaranas umano ng pag-ubo, pamamaos at sipon.
Walang travel history ang mga pasyente ngunit bilang pagsunod sa mga alintuntunin laban sa Covid19 ay isinailalim na mula kahapon hanggang November 27 sa Extreme Enhanced Community Quarantine ang mga lugar na kabilang sa critical zone, Modified Enhanced Community Quarantine sa mga lugar na kabilang sa containment zone at General Community Quarantine naman ang mga lugar na kabilang sa buffer zone.