Ipinag-utos ngayon ng alkalde ng Zamboanga City ang agarang paghahanap at paghuli sa mga responsible sa pagbaril patay sa mag-asawa sa Brgy. Boalan, Zamboanga City.
Kinilala ang mga biktima na sina Fathie Bara Loong at asawa nitong nakilalang si Bai Rivalia.
Base sa report ng pulisya, biglang na lamang nilapitan ng gunman ang mga biktima at binaril habang iniinspection ang construction ng kanilang tindahan sa nabanggit ng lugar.
Sunod naman umanong binaril ang asawa nito na nakaupo sa loob ng kanilang van katabi ang kanyang 4 na taon anak na babae.
Samantala, ligtas naman umano ang anak ng mga biktima.
Kaugnay nito, agad na inutos ni Mayor John Dalipe ang paghihigpit ng seguridad sa lugar kasunod na rin ng umiiral na gun ban dahil sa nalalapit na midterm elections.
Ayon sa opisyal, walang lugar sa kanilang syudad ang kaparehong karahasan kung saan patuloy nga nitong isinusulong ang kapayapaan ay culturally diverse na komunidad.