-- Advertisements --

ROXAS CITY – Totally burned ang isang bahay sa Sitio Canary, Barangay Punta Tabuc, Roxas City.

Nagtamo ng second degree burn ang mag-asawang Jocelyn Baliao at Napoleon Velez sa kanilang paglabas sa nasusunog na bahay.

Ayon kay Arnel Baliao, tricycle driver at anak ni Nanay Jocelyn sinabihan itong nasunog ang kanilang bahay, kaya nagmamadali itong makauwi.

Nalaman nito sa kanyang ina na galing sa silid ang apoy hanggang kumalat ito sa buong bahay.

Ipinahayag naman ni FO3 Philamer Distura, fire investigator na totally burned na ang bahay ng pamilya Baliao ng dumating sila.

Napag-alaman na gawa sa light materials ang nasabing bahay.

Patuloy sa ngayon ang imbestigasyon ng Roxas City fire station para malaman ang naging pinsala ng nasabing sunog.