CENTRAL MINDANAO-Sugatan ang mag-asawa sa pamamaril ng riding in tandem suspects sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang mga biktima na sina George Abdulrahman at misis nito na si Ton Abdulrahman,mga residente ng Barangay Manili Carmen Cotabato.
Ayon kay Cotabato Police Provincial Director Colonel Harold Ramos na lulan ang mga biktima sa isang multicab pauwi na ng kanilang tahanan mula sa Kidapawan City ngunit pagsapit nila sa tapat mismo ng municipal hall sa bayan ng Kabacan Cotabato ay bigla itong dinikitan ng riding in tandem suspects at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.
Mabilis namang tumakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng Datu Montawal Maguindanao Del Sur.
Agad dinala ang mag-asawa ng mga nagrespondeng pulis sa isang pagamutan sa bayan ng Kabacan at nasa maselang kondisyon.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Kabacan Municipal Police Station (MPS) sa pamamaril sa mag-asawa.