-- Advertisements --
Minglanilla cebu car

CEBU CITY – Patay nang narekober sa loob ng kanilang sasakyan ang mag-asawang tatlong araw ng missing.

Kinilala ang mga biktima na sina Gavino Sanchez, 49, liason officer ng Department of Education Region 7 at Arlene Sanchez, 47, isang public school teacher, at mga residente ng Barangay Tubod, bayan ng Minglanilla, Cebu.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, tatlong araw ng pinaghahanap ng pamilya ang mag-asawa kung saan sinabing Hunyo 16 nang umalis ang mga ito sa kanilang bahay sakay ng kanilang pribadong sasakyan.

Kagabi nang mai-report ng barangay kapitan ng Barangay Tananas, bayan ng San Fernando, Cebu, sa pulisya tungkol sa isang sasakyan na tatlong gabi ng naka-park sa kanilang lugar at nang sinuri ng mga residente ay nakita nila ang bangkay ng mag-asawa.

Nabatid na may negosyong catering, lending at water refilling station ang mag-asawa.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing krimen.