-- Advertisements --
tiamzon

Reclusion perpetua ang iginawad na hatol ng Quezon City Regional Trial Court laban sa mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon dahil sa kasong kidnapping.

Ito ang kinumpirma ni AFP Public Affairs Office chief Navy Capt. Jonathan Zata batay sa dokumentong kanilang nakuha mula sa korte.

Hinatulan ang mag-asawa in absentia ng 40-taong pagkakakulong at pagbabayad ng mahigit P200,000 danyos sa complainant na si Lt. Abraham Claro Casis.

Si Casis ay isa sa apat na mga sundalo na umanoy dinukot ng mga NPA members sa Quezon province sa loob ng 75 araw.

Ang kaso ay nag-ugat noong taong 1988 kung saan isinampa ang kaso noong 1990, pero ang mga Tiamzons ay naaresto at na-arraign lamang taong 2014.

Una nang nakalaya ang mag-asawang Tiamzon noong 2016 matapos makapaglagak ng P100,000 piyansa upang makiisa sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at ng CPP-NPA- NDF.

Subalit muli silang ipinaaresto ng kote matapos ibasura ni Pangulong Duterte ang peacetalks at ipawalang bisa ang Joint Agreement on Safety and Imuunity Guarantees (JASIG).

tiamzon1

Bukod sa kidnapping, ipinagharap din ng kasong multiple murder ang mag-asawang Tiamzon matapos madiskubre ang ginawa nilang mass grave sa Leyte noong dekada ’80.

Sa ngayon nagpapatuloy ang manhunt operations ng PNP-AFP laban sa mag-asawang Tiamzon.

Ang mga Tiamzon ay dating nakakulong sa PNP Custodial Center sa Kampo Crame.