-- Advertisements --

Magpapaturok ng booster shots ng COVID-19 vaccine si US President Joe Biden.

Sinabi nito na handa siya at asawang si Jill na magpaturok ng booster shot kapag sinimulan na ito sa susunod na buwan.

Ang nasabing booster shots ay mahalaga aniya dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa US.

Kapwa nagpaturok na ng bakuna laban sa COVID-19 ang mag-asawa noong unang buwan ng pag-upo ni Biden sa pagkapangulo noong Enero.

Nauna ng inanunsiyo ni Biden na magsisimula na silang magturok ng booster shots sa Setyembre 20.