-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Patay ang mag-asawang dayuhan sa nangyaring sunog sa Quenies Love Village Brgy. City Heights dito sa lungsod.

Kinilala ang mga biktima na sina Jonathan Steffy at Roberta Steffy na kapwa American national at misyonaryo sa isang religious group.

Ayon kay SFO1 Felimar Acob, arson investigator ng BFP-GenSan nangyari sng sunog pasado alas 4:00 sa madaling araw na nagresulta sa pagkasunog sa kanilang bahay.

Patuloy pang inimbestigahan ang sanhi ng sunog subalit ayon sa mga kapitbahay na nakita na lamang nila ang paglaki ng apoy sa may bahagi ng sala ng bahay.

Pinaniniwalaang na-trap ang mag-asawa sa loob ng kanilang bahay sa kasagsagan ng sunog.

Inihayag ni SFO1 Acub na nasa tinatayang P100,000 ang danyos sa pagkasunog ng bahay.