CAGAYAN DE ORO CITY – Pinayagan nang makalabas ang mag-asawang Amerikano matapos ang ilang araw na pananatili sa provincial hospital isolation room sa probinsya sa Camiguin.
Ito ay matapos binigyang clearance na ng mga doktor dahil negatibo sa sintoma ng coronavirus na nakakahawa at nakamamatay na sakit para sa mga tao.
Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Dr Ian Gonzales, chief ng DoH-10 infection diseases cluster ng Northern Mindanao na tanging simpleng lagnat at ubo lamang ang iniinda ng mag-asawang Amerikano kung saan kalaunan ay nawawala na rin habang naka-isolate sa ospital.
Hindi na rin hinahanap ang mga tao na nakasalamuha ng dalawa dahil pawang negatibo sila sa corona virus.
Magugunitang hindi rin inirekomenda ng DOH na gagamit ng face masks dahil negatibo pa naman ng virus ang buong bansa.