-- Advertisements --
karumata bride

BUTUAN CITY – Agaw-atensyon ang magkasintahang ikinasal sa Tago, Surigao del Sur, dahil sa kanilang bridal car na gawa sa balsa.

Kinilala ang bagong kasal na sina Kristian Al Pelenio at Genelyn Burbano-Pelenio.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ng mag-asawa na pinlano talaga nila ang paggamit ng balsa bilang kanilang wedding car upang bigyang pugay ang kanilang pinagmulang pamilya ng mga magsasaka.

Hindi lang kasi basta balsa ang sinakyan ng mag-asawa dahil hila-hila ito ng kalabaw.

Kapwa Pinoy overseas worker ang dalawa sa Malaysia at Saudi Arabia.

Nagkakilala raw sila sa social media at nagpasyang magkita matapos ang dalawang taon na pag-uusap.

Matapos nito ay nagpasya na agad ang noo’y magkasintahan na mamanhikan sa pamilya ni Genelyn.