-- Advertisements --

(Update) CAGAYAN DE ORO CITY – Patay na ang mag-asawa na unang pinaghahanap ng search and retrieval teams kasunod nang gumuhong bundok kung saan kabilang ang kanilang bahay na nabagsakan ng lupa dahilan na ilang oras sila missing sa Sitio Minalong,Barangay Kahusayan,Kitaotao,Bukidnon.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Police Regional Office 10 spokesperson Major Joann Navarro na batay sa progress report na ibinigay ng kanilang lower units ay unang narekober si Echel Cortez sa ilog na ng Kabakan North Cotabato habang si Randy Cortez naman ay sapa ng Barangay Tandong,Kitaotao.

Sinabi ni Navarro na itinigil na rin ng search and retrieval teams ang paghahanap Kahit hindi pa narekober ang bangkay ng 3-anyos na anak nila dahil wala ng indikasyon na maiahon ito sa mismong landslide site.

Sa kasalukuyang nakaburol na ang mga labi ng mag-asawa sa isang punerarya sa nasabing bahagi ng lalawigan.

Kaugnay nito, muling nagbigay paalala ang gobyerno sa mga residente na panatilihing making at tumugon sa mga panawagan na pansamantalang lumikas kung mayroong paparating na sakuna epekto ng mga pag-ulan.