CEBU CITY- Buhay ngunit nanghihina ang mag-asawang narescue mula sa gitna ng karagatan matapos na maiulat na nawawal mula noong Araw ng Biyernes habang nangingisda.
Ito ang kinompirma ni Lt Junior Grade Michael John Encina, ang tagapagsalita sa Philippine Coast Guard (PCG-7).
Ayon kay Encina ng makapanayam ng Bombo Radyo Cebu na nakatanggap sila ng tawag nitong Linggo ng gabi mula sa PCG- Bohol na merong dalawang tao na natagpuan sa gitna nga karagatan ng Panglao, Bohol at Oslob, Cebu.
Ito’y matapos na nagsawag na sila ng search ang rescue operation para sa dalawa.
Nang kinumpirma, positibo itong kinilala na sina Samuel Caldino, 52 anyos at Olimpia, 45 anyos na residente ng Barangay Lagunde bayan ng Oslob.
Ayon naman kay Police Staff Sergeant Noel Munton ng Alboquergue PS na tinurn-over nga nakakita sa mag-asawa ang mga ito sa kanilang police station.
Nakita umano ang dalawa ng isang mangingisda na nakalitang habang nakahawak sa kanilang bangka. Napag-alaman na nabutas ang bangka ng mag-asawa dahil sa lakas ng alon kaya hindi na ito magawang makauwi pa.
Agad namang dinala ang mag-asawa sa pagamutan para mabigyan ng medikal na atensyon.
Habang sinabi naman ni Encina na tutulong sila sa pagpapauwi ng mag-asawang na rescue.