-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Patuloy pang inimbestigahan ng pulisya sa bayan ng Bunawan, Agusan del Sur ang responsable sa pagtulis-patay ng mag-asawang negosyante matapos matgpuang nakabulagta ng pareho sa Sitio Road 86, lungsod sa Bunawan, Agusan del Sur.

Nakita na lamang na naligo sa kanilang sariling dugo ang wala ng buhay na mga biktimang sina Juliano Tadle, 56-anyos at Arlyn Tadle 54-anyos, residente ng naturang lugar.

Nakabulagtas sila sa gilid ng kanilang sasakyan na sya nilang ginamit sa paglalako ng kape sa boundary sa Sitio Road 86 sa Bunawan Agusan del Sur ay Bislig City, Surigao del Sur.