BUTUAN CITY – Bitbit ang kanilang mga armas, sumuko sa 30th Infantry Battalion, Philippine Army ang isang kumander ng rebeldeng New People’s Army (NPA) kasama ang kanyang asawa at dalawa pa nitong mga kasamahan.
Nakilala ang mga sumuko na sina Roel Borimbao, 37, kumander ng Sandatahang Yunit Pampropaganda 16B1, Guerilla Front 16 ng Northeastern Mindanao Regional Committee na nag-operate sa Surigao City, pati na sa mga bayan ng San Francisco, Taganaan at Sison, sa lalawigan ng Surigao del Norte.
Kasama nito sa kanyang pagsuko ang asawang si Roselle Dagante, 21, political instructor sa nasabing yunit; Archie Milallos, 35, political instructor din ng SYPB2, GF16 NEMRC; at Michael Florino, 27, assistant team leader ng Squad Dos, SYP16B1, GF16.
Ayon kay 1Lt Ken Enciso, Civil Military Officer (CMO) ng 30IB, bitbit sa kanilang pagsuko ang dalawang mga M14 rifles, isang M4-CiS rifle, isang AR15 M16A1 rifle, apat na mga magazines ng M14, dalawang short magazines ng M16, dalawang mga anti-personnel mines, isang bala ng 5.56mm at 64 mga bala ng 7.62mm.