GENERAL SANTOS CITY – Patung-patong na kaso ang isinampa ng mga complainants laban sa mga lider ng Munificence Ministry na matatagpuan sa Bula, lungsod ng Heneral Santos.
Bumuhos ang mga complainants sa Department of Justice (DOJ) para maisampa ang kasong syndicated estafa laban kina Pastor Rolando Joseph at Pastora Dorisfe Asas Joseph.
Ayon pa sa complainant na si Karen Calsis, manager sa isang satellite office ng Munificence Ministry na marami na itong natatanggap na death threats galing sa mga na-recruit subalit hanggang ngayon hindi na makontak ang mag-asawang Joseph na founders ng ministry.
Dahilan para magmakaawa ito na ibalik na ang pera sa mga investors.
Napag-alaman na nangako ang founder na ibibigay ang capital sa buwan ng Oktubre subalit hindi na makita ang mag-asawang Joseph.
Una nang niransak ng mga investors ang opisina noong nakaraang linggo.
Ang munificence ministry ay nangangako ng 45% na payout kada buwan kung saan libu-libo na ang mga nabiktima nito.