-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Huli ang mag-asawang senior citizen na hinihinalang marijuana cultivators sa boundary ng Poblacion at Palina, Kibungan, Benguet.

Nakilala ang mga ito na sina Armando Puyao at Alicia Puyao.

Ayon kay PLt. Leonard Buya, deputy chief of police ng Kibungan Municipal Police Station, arestado ang dalawa kaninang madaling araw sa pamamagitan ng isinilbing warrant of arrest.

Aniya, nagsilbing informant ang isang concerned citizen sa pagkakadakip sa mag-asawa.

Nakasuhan na ang mga ito ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Maaalalang aabot sa P6-million ang halaga ng mga marijuanang binunot sa Barangay Tacadang at Barangay Badeo, Kibungan mula Pebrero 26 hanggang Marso 1 ng kasalukuyang taon.