-- Advertisements --

DAVAO CITY – Tinutugis ngayon ng Bansalan PNP ang suspek na nanloob sa mag asawang Senior Citizen, kung saan pinatay ang mga biktima at pinaniniwalaan namang ginahasa ang lola.

Base sa report ng kapulisan, pasado alas 4 ng hapon ng natagpuang ng isang witness na wala nang buhay ang mag-asawa na kinilalang sila Evelinda Galigao Gumapac, 60-anyos minyo at Modesto Balili Gumapac, 66-anyos, residente ng Purok Durian, Brgy. Kinuskusan, Bansalan, Davao del Sur.

Natagpuan ng kapulisan si Modesto na wala ng buhay na nakahandusay sa kama sa loob ng bahay habang ang asawa naman nito ay naligo sa sariling dugo ng naabutan sa labas ng bahay, nakadaob sa lupa at wala nang sapot pang ibaba, kung kaya pinaniniwalaang ginahasa ito ng suspek.

Ayon kay PCapt. Orlando Udalve, pagnanakaw ang tinitingnang motibo sa krimen dahil bago lang di umanong nagbinta ng kopra ang mag asawa. Natagpuan din sa crime scene ang nagkalat na mga hinalungkat na gamit ng mga biktima.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang hot pursuit operation laban sa suspek, habang kasalukuyang nasa Brillantes Funeral Homes sa R Delos CIentos ST., Poblacion Uno, Bansalan, Davao del Sur ang bangkay ng mga biktima at hinihintay pa ang resulta ng otopsiya upang makumpirma kung ginahasa ba ang babaeng biktima.