-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY- Patuloy ang imbestigasyon sa nangyaring sunog sa Purok Malipayon San Isidro Brgy. Lagao nitong lungsod ng Heneral Santos .
Ayon kay FO3 Lester John Nuñez ng General Santos City Fire station, kasalukuyang inaalam pa nila kung ano ang naging sanhi ng sunog na naging sanhi ng pagkamatay ng dalawang mag-asawang senior citizen at isa na sugatan.

Kinilala ang mag asawa na mga biktima na sina Aurora Damaso, 79 taong gulang at David Damaso 76 taong gulang at pawang residente ng nasabing lugar.

Habang ang sugatan naman ay nakilala na si John Ray Damaso, na kanilang adopted child na kasalukuyang nasa pagamutan para sa agarang pagpapagaling.

Dagdag pa ni FO3 Nuñez na possibleng hindi na nagawang makalabas ng dalawang matanda sa kadahilanang ito ay na suffocate sa biglaang pagkasunog ng kanilang bahay.