Umani ng matinding batikos mula sa netizens, lalo na mula sa mga tagahanga ni Anne Curtis, ang mag-asawang vlogger na sina Shaun Pelayo at Crissa Liaging (a.k.a. Habibi), matapos umanong patutsadahan ang aktres sa isang Facebook Live session.
Nag-ugat ang isyu matapos maging viral ang pagbisita ni Anne sa Siquijor noong Marso 21, kung saan ibinahagi niya sa Instagram ang kanyang pagbisita sa mga kilalang tanawin gaya ng Cambugahay Falls at centuries-old banyan tree.
Noong Abril 18, nag-live sina Shaun at Habibi at nagpahayag ng hinanakit na tila hindi sila nabibigyang-pansin ng lokal na pamahalaan ng Siquijor kahit pa matagal na nilang pinu-promote ang isla sa kanilang mga vlog. Sinabi rin nila na dapat ay ina-appreciate ang kanilang ambag.
Dito na umani ng kritisismo ang mag-asawa, na tinawag ng ilan na “entitled.” Ayon sa mga netizen, matagal nang kilala ang Siquijor bilang tourist destination, at hindi lang sina Shaun at Habibi ang nag-promote nito. Para sa marami, kusa dapat ang pagtulong sa turismo, at hindi dapat humihingi ng kapalit o pagkilala.
Gayunpaman, may ilang netizens din na nagtanggol sa mag-asawa, sinabing malaki rin naman ang kanilang naiambag sa pagpapasikat ng Siquijor sa social media. Para sa kanila, isang simpleng “thank you” mula sa lokal na pamahalaan ay hindi naman kalabisan.
Samantala sa humingi naman ng paumanhin si Shaun na ipinost niya sa kanyang Facebook account nitong Lunes, April 21, inako ni Shaun ang pagkakamali kung may na-offend man daw sila ni Habibi sa mga sinabi nila.
Sa pamamagitan ng isang video na ipinost sa kanyang Facebook account nitong Lunes, April 21, inako ni Shaun ang pagkakamali kung may na-offend man daw sila ni Habibi sa mga sinabi nila.
‘As you all know, a lot of my day revolves around making content and I’m on live a lot and I need to be super conscious of any throwaway comment that I made ’cause it could offend and could offend someone,’ saad nito sa kaniyang video.
‘And if it has offended anyone that I do, I apologize. I’m sorry and that was never my intention to bring any negativity, so apologize,’ dagdag ni Shaun.