BUTUAN CITY – Patuloy pa ang malalimang imbestigasyon ng pulisya sa Surigao City upang malaman ang dahilan sa sabay na pagkitil sa buhay ng mag-best friend na dalagilta na natagpuan na lamang na nakabitin na sa ilalom ng puno ng mangga kaninang alas-5:00 ng umaga sa Ceniza High Subdivision, Barangay Cagniog ng nasabing lungsod.
Matinding kalungkutan ang dinarama ngayon ng mga ka-anak ng 15 at 16-anyos na mga biktimang parehong nag-aaral sa Surigao Del Norte National High School.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, kagabi pa lang ay may masamang plano na umano ang isa sa mga biktima kung kaya’t hindi ito iniwanan ng kanyang best friend lalo na’t may depression umano ito kungsaan may nakakita pa sa kanilang nakatambay sa may Boulevard area.
Pasado alas-tres ng madaling araw nang mapansing wala na sa kanilang tahanan ang problemadong dalaga kung kaya’t kaagad nila itong pinaghahanap at pagkalipas ng dalawang oras, ay pareho na itong nakitang wala ng buhay.