-- Advertisements --
DOH COVID graph 1

Nilinaw ng ilang eksperto na hindi naman pinagbabawalan ang mga Pinoy na mag-enjoy sa panahon ng kapaskuhan.

Ayon kay Dr. Guido David, miyembro ng UP OCTA Research group at professor ng Institute of Mathematics, ang nais lamang ng mga otoridad ay ‘wag naman sanang mag-all out party na aabot ng hanggang 100 mga bisita.

Sinabi ni Dr. David, layon lamang nito na maging ligtas ang bawat isa at maging mga kaanak ng ating mga kababayan na maiiwas na mahawa sa COVID-19.

Nagpanukala rin ito na kung hindi maiiwasan ang magliwaliw sa mga mall, kung maaari ay limitahan lamang ang oras lalo na sa mga enclosed na gusali o restaurant na walang sapat na ventilation.

Mas maigi pa rin daw kung kakain sa labas ay sa isang open air gawin.

Ranjit Rye Octa
Ranjit Singh Rye, UP assistant professor

Sinabi naman sa Bombo Radyo ni Ranjit Singh Rye, ssistant professor sa UP Department of Political Science, dapat isagawa ang pagdiriwang ng pasko sa isang ligtas at responsableng selebrasyon.

Batay nga sa projections ng UP experts nangangamba sila na baka bago matapos ang buwan ng Disyembre ay umabot na sa halos kalahating milyon ang mga kaso ng coronavirus sa Pilipinas.

“Pero ang importante we should do it in a safe and responsible manner. Ang importante ligtas po tayo,” ani Prof. Rye na assistant professor sa Department of Political Science. “Mas masaya ang pasko kung ligtas at wala po tayong sakit. Iwasan na natin ang maramihang salu-salo. Immediate family lang.”

DOH COVID graph