-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Hustisya ngayon ang sigaw ng pamilya sa mag-iitik na sinaksak patay sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Elesio Maganto Porras, 39 anyos, duck raiser at residente ng Purok 2 Barangay Tinaungan, President Quirino, Sultan Kudarat.

Habang ang suspek ay nakilalang si Nonoy Rapista at nakatira sa Barangay Dimakanit, Tulunan, Cotabato.

Ayon kay M’lang Chief of Police Lieutenant Colonel Realan Mamon habang tulog ang biktima sa duyan sa loob ng kubo sa Purok 6 Brgy Dalipe M’lang Cotabato ay bigla itong pinasok ng suspek at pinagsasaksak ng ilang beses gamit ang mahabang patalim.

Mabilis namang tumakas ang suspek at nakita ng ilang testigo na sumakay ng motorsiklo.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng M’lang PNP at nakatakdang sampahan ng kasong murder ang suspek.