LA UNION – Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mag-ina at dalawang iba pa sa isinagawang buy bust operation sa Brgy. Ilocanos Norte, San Fernando City, La Union.
Nakilala ang misis na si Melissa Ganuelas, 37, call center agent, dalaga; anak nito na si Linux Dylan Ganuela, 16; Dyken Frost Ganuelas 19; kapwa residente ng nasabing lugar, at Christian Paul Munar, 17, residente ng Barangay Casilagan, sa bayan ng San Juan sa lalawigan.
Nakumpiska mula sa kanila ang limang plastic sachet ng umano dried marijuana leaves at P500 bilang buy bust money at ilang drug paraphernalia.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 1 Public Infotmation Officer Bismark Bengwayan, naaktuhan pa ng mga operatiba ang mga suspek na nagpa-pot session ng isagawa ang operasyon.
Sa ngayon, nananatili pa sa bilangguan si Melissa habang pinoproseso pa ang paglipat sa Department of Social Welfare & Development (DSWD) Region 1 ng mga menor de edad.