-- Advertisements --
Frankfurt Germany
Frankfurt Germany

Patay ang walong taong gulang na batang lalaki habang sugatan ang ina nito matapos na itulak sila ng isang lalaki sa paparating na tren sa Frankfurt Germany.

Naaresto ng mga taumbayan ang 40-anyos na isang Eritean na lalaki ng magtangka itong tumakas.

Bukod sa mag-ina ay sinubukan din ng suspek na itulak ang isang lalaki subalit nabigo ito.

Dinala sa pagamutan ang 34-anyos na babae ng ito ay masugatan.

Agad na pinulong ni Interior Minister Horst Seehofer ang kaniyang mga kapulisan matapos na malaman ang nasabing insidente.

Inaalam pang mabuti ng mga otoridad ang motibo ng suspek dahil hindi niya kilala ang mga biktima.