-- Advertisements --
ILOILO CITY – Patay na ang mag-ina matapos hindi nakalabas sa nasunog na bahay sa San Vicente Subdivision, Barangay Poblacion, Leganes, Iloilo.
Ang mga biktima ay sina Ana Vivien Ganon, 49 at anak nito na si Anthony Quin Ganon, 21.
Habang kritikal naman ang isa pang anak ni Vivien na si Andrew Vince Ganon, 16.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Fire Senior Superintendent Atty. Jerry Candido, regional director ng Bureau of Fire Protection (BFP) Region 6, sinabi nito na halos hindi na makilala ang mag-ina ng matagpuan.
Napag-alaman na dalawang palapag ang bahay at hindi kaagad na nakalabas ng kanilang kwarto ng mangyari ang sunog.